Bakit Hindi Ko Gaanong Tinatangkilik ang Pelikulang Pilipino

Mukhang wala nang pagasa ang pelikulang Pilipino, lalo na ang main stream cinema.

Mahilig ako sa comedy, dahil gustong tumawa. Gusto kong tumawa dahil ang daming problema ng mundo. Para makalimot ng problema, kung baga. Pero, kung papanoorin ko ang mga comedy ngayon, nadaragdagan pa yata ang problema ko. Nasayang ang ticket ko. May iilang tunay na nakakatawa, pero hindi sila gaanong nakakatawa. Napansin ko kasi, meron silang nilalagay na nakakasira ng pelikula.
Example:
*May eksenang iyakan. Ok lang kung may iyakan, basta’t nakakatawa, pero etong mga eksenang tinutukoy ko ay ang kabaligtaran ng nakakatawa. Bagay sa drama.
COMEDY ANG PINAPANOOD KO, BAKIT MAY IYAKAN!?
*May song and dance number. Parang vaudeville. Parang pelikula ng Disney. Ok sana kung Dolphy, dahil dun sya sumikat, pero sa panahon nya yun. Iba na ngayon. Moderno na ang pelikula ngayon. Balang araw, magkakaroon ng pelikulang Pilipino na walang song and dance number. Sigurado ako, matanda na ako pagdating ng panahong iyon.
*Masyadong marami ang cast. Merong sexy star. Merong kalbo. Merong pandak. Merong macho. Merong gwapo. Merong maganda. Nandoon na ang lahat, maliban sa isa: chemistry. Dapat may chemistry ang cast. Kaso, ang ginagawa nila, gusto nilang pasiyahin ang lahat. Alam nyo naman di ba, “You can’t please everybody. If you try to please everybody, you are bound to fail.”

Alisin nyo lang yang tatlong yan, at gawan nyo ng magandang kwento, at matutuwa ako.

Kelan kaya magkakaroon ng pilikulang Pilipino na hindi kanta ang title? Lalo na yung mga “drama” kuno. Putang ina, drama ba yan? Puros pa-cute lang ang alam nyo eh. Yung mga “serious drama” naman, puros sigawan lang. Parepareho na lang lahat. Wala na bang bago? Kilig-kilig na lang lagi. Ang cheap naman. Puro loveteam na lang. Mga loveteam na hindi na nakakatuwa. Hindi na nakakatuwa.

Ang mga “horror” naman, parang patawa. Parang sampal sa mukha ng takot. Iniinsulto ng mga pelikulang ito ang tunay na takot. Mas nakakatakot pa ang mukha ko kesa dyan sa mga patapong horror na pinipalabas nila. Gusto niyong takutin ang mga tao? Ayusin niyo. Mahirap takutin ang tao, pero merong paraan. Isa dyan ay gumawa kayo ng bago. Nakakatakot ang mga bagong konsepto at situwasyon. Alalahanin si Alfred Hitchcock. Simple lamang ang mga pelikula nya kung iisipin, pero nakakatakot pa rin. Hindi nakakatakot ang gulat. Nakakagulat, hindi nakakatakot.

Ang action naman, nakakabwisit. Yun lang. Hindi nakakabilib. Napaka-formulatic. Alam mo na ang ending, hindi mo pa napapanood.

Ang mga fantasy at science fiction naman, parang ang sarap sunugin ng sine. Gaya-gaya. Mga walang hiyang gaya-gaya na hindi naman kayang pantayan o higitan ang orihinal.

Isa lamang ang mapapayo ko: GUMAWA KAYO NG MGA ORIHINAL NA IDEYA AT KONSEPTO.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: